Kendrick Salting | Website Developer + Artist

  • I finally got one of the collections. My weekend is complete. 

    I finally got one of the collections. My weekend is complete. 

  • This is what happens when a secondhand book shop decides to have a 50% sale

    Special thanks to renejoshua.

  • Inaamin ko. Mahilig ako sa mga kwentong may kinalaman sa mitolohiya. Kabilang na rito ang mitolohiya ng mga Greko at Romano. Ang ganda kasi ng mga kwento nila. Nakaka-engganyo. Tapos nabasa ko ang seryeng Percy Jackson and the Olympians ni Rick Riordan. Sa pagbabasa ko ng mga ito ay umiral ang pagiging mainggitin ko. Tinanong ko an sarili ko, “Bakit kaya ang Pilipinas walang mga aklat na tulad nito?”. Dito ko napagtanto na iilan lang pala ang mga kilala kong manunulat ng nobela. Siyempre, nasa listahan ko si Bob Ong. Magaling siyang magsulat. Ang pinakagusto kong akda niya ay yung ‘Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan’. Pero hindi yan ang paksa ng sanaysay na ito. Bumalik tayo sa mitolohiya. Mayaman ang Pilipinas sa mitolohiyang Pilipino ngunit iilang manunulat at mangguguhit lamang ang nagtangkang humugot ng ideya mula sa mga ito upang gumawa ng makabagong akda. Ilang magandang halimbawa ay ang Naermyth ni Karen Francisco at Trese nina Budjette Tan at Kajo Baldisimo. Sa paulit-ulit kong pagbalik sa Filipino section ng National Bookstore, may isang aklat akong nakita na inabot rin ng ilang buwan bago ko nabili. Ito ang Awit ni Kadunung ni Abdon M. Balde, Jr.

    image

    Hindi ako nagsisi sa pagbili nito.

    Ang nobelang ito ay isinulat sa wikang Filipino na may halong Bikol, Español, at lumang Tagalog. Maraming mga bahaging nakakapagpabalinguyngoy dahil sa lalim ng mga salitang ginamit. Magkagayunpaman, na-engganyo pa rin akong tapusin ang libro. Ang kwento nito ay may kinalaman sa epikong “Ibalong” ng Kabicolan. Ngunit imbis na talakayin lang ang kulang-kulang na epiko ay sinubukan nitong simulan ang epiko at punan ang mga nawawalang bahagi nito. Ito ay naglalaman ng kasaysayan at pakikipagsapalaran mula sa kwento ng “Ibalong” hanggang sa kwento ng buhay ni Peter sa kasalukuyang panahon. Ito ay isang paglalakbay sa buong Kabicolan at pagtutuklas sa mga kaganapang nawala sa kasaysayan.

    Sa paghihiram sa pahayag ni Ginoong Virgilio Almario, ang Awit ni Kadunung ni Ginoong Abdon M. Balde, Jr., ay tunay ngang “isang pambihirang tuklas ng Literaturang Filipino”.

    • Dekada ‘70 - Lualhati Bautista
    • Hook - Terry Brooks
    • Angels and Demons - Dan Brown
    • After Dark - Haruki Murakami
    • Armed Memory - Jim Young
    • The Bamboo Dancers - N. V. M. Gonzales
    • American Gods - Neil Gaiman (pinahiram ni bestfriend kapalit nung Naermyth - Karen Francisco)
    • Man and Boy - Tony Parsons
    • Ilustrado - Miguel Syjuco
    • The Kite Runner - Khaled Hosseini
    • Jia - Hyejin Kim
    • Kiffe Kiffe Tomorrow - Faiza Guene
    • The School of Essential Ingredients - Erica Bauermeister
    • Dragon House - John Shors
    • Corydon & The Island of Monsters - Tobias Druitt
    • I Hope They Serve Beer in Hell - Tucker Max
    • The Lightning Thief - Rick Riordan
    • The Sea of Monsters - Rick Riordan
    • The Titan’s Curse - Rick Riordan
    • The Last Olympian - Rick Riordan
    • The Odyssey of Homer - Richmond Lattimore
    • The Beautiful Miscellaneous - Dominic Smith
    • The Vampire Prince - Darren Shan
    • Turbulence - Jia Pingwa
    • The Sorrow of War - Bao Ninh
    • Breakfast with Scot - Michael Downing
    • Tokyo Sucker Punch - Isaac Adamson
    • Turtle Feet - Nikolai Grozni
    • Memoirs of a Geisha - Arthur Golden
    • Dumot - Alan Navarra
    • Tiger Moon - Antonia Michaelis
    • The Old Country - Mordicai Gerstein
    • Hush, hush - Becca Fitzpatrick
    • The Beach - Alex Garland
    • McArthur - Bob Ong
    • Stainless Longanisa - Bob Ong
    • Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino - Bob Ong
    • Alamat ng Gubat - Bob Ong
    • A B N K K B S N P L A Ko?! - Bob Ong
    • Ang Paboritong Libro ni Hudas - Bob Ong
    • Ina at ibang Katha - Domingo Landicho
    • Antyng-antyng - Uro Q. Dela Cruz
    • Leaper - Geoffrey Wood
    • Cavalry Road - Abdon M. Balde, Jr.
    • Wind Tamer - P. R. Morrison
    • Snow Flower and the Secret Fan - Lisa See
    • A Living Nightmare - Darren Shan
    • Balzaac and the Little Chinese Seamstress - Dai Sijie
    • Lovely Bones - Alice Sebold
    • House of Dark Shadows + Watcher in the Woods - Robert Liparulo
    • The Little Prince - Antoine De Saint-exupery
    • Below the Crying Mountain - Criselda Yabes
    • The Piano Tuner - Daniel Mason
    • Brisingr - Christopher Paolini
    • The Lost World - Michael Crichton

    Tapos meron pa akong mga nipahiram.

  • sa wakas~! muntik na naman akong mapagsarhan sa Mt. Cloud Bookshop

    sa wakas~! muntik na naman akong mapagsarhan sa Mt. Cloud Bookshop